Offers every month
Mga madalas itanong
Kapag nag-subscribe ka sa Play Pass, makakakuha ka ng mga eksklusibong alok sa mga nangungunang laro kada buwan at hiwalay na catalog ng mahigit 1,000 laro at app. Sa catalog, walang ad at naka-unlock ang lahat ng in-app na pagbili at bayad na pamagat.
Kasama sa catalog ang mahigit 1,000 laro at app. May mga bayad na laro at app na kasama nang walang dagdag na bayad. Para sa lahat ng laro at app sa catalog ng Play Pass, walang ad, at naka-unlock ang mga in-app na pagbili. Mahahanap ng mga subscriber ang mga laro at app na ito sa seksyong Play Pass ng Play Store app, o hanapin ang badge ng Play Pass sa mga pamagat sa Google Play.
Makakatanggap ang mga subscriber ng mga eksklusibong alok sa mga piling patok na larong wala sa catalog ng Play Pass. Puwedeng mga in-game credit o deal sa mga partikular na in-game item ang mga alok na ito, at makakakuha ang mga subscriber ng bagong hanay ng mga alok kada buwan. Hindi available ang mga alok sa panahon ng trial, o para sa mga larong nasa catalog ng Play Pass. Kailangang i-redeem ang mga alok sa pamamagitan ng paraan ng pagbabayad sa Google Play billing.
Kung mayroon kang anumang laro o app na kasama sa catalog ng Play Pass, maaalis ang lahat ng ad, at maa-unlock ang lahat ng in-app na pagbili.
Gamit ang Family Library, libreng makakapagbahagi ng access sa Play Pass ang Manager ng Pamilya sa hanggang 5 miyembro ng pamilya. Kakailanganing i-activate ng mga miyembro ng pamilya ang Play Pass sa kanilang account. Sa Manager ng Pamilya lang available ang mga buwanang alok at iba pang benepisyo.