[go: up one dir, main page]

mali yata ‘yung upcat reviewer na nabasa ko, bakit puro tungkol sa’yo?

keng
2 min readAug 9, 2024

--

UP Diliman: https://pin.it/e7TNWuC7M

Takot akong bumagsak sa UPCAT pero takot din akong ma-topic o mabanggit ang pangalan mo ‘pag kausap nila ‘ko.

Question 1: Sino siya sa buhay mo?

Kung ‘yan ang itatanong mo sa akin dati, sigurado akong maririndi ka sa dami ng kwento ko tungkol sakaniya. Malas lang at ngayon mo pa talaga ako naisipang tanungin. Wala akong maisagot sa’yo.

Wala na kasi siya sakin — wala na siya sa buhay ko.

Question 2: Where did it go wrong?

Hindi ko rin alam. Kahit kailan hindi ko maiintindihan kung paano naging posible na magising siya isang umaga na hindi na ako mahal.

Ilang gabi ba ang kailangan kong itulog para magising din ako sa isang umagang hindi na kita mahal? Ituro mo naman sa’kin kung paano, napapagod na rin kasi ako.

Question 3: Ang tagal na, bakit hindi ka pa rin umuusad?

Traffic pa rin yata, ewan ko ba. Ang tagal ko na rito pero hindi pa rin umuusad ang pila. Hindi pa talaga ako graduate sakaniya. Ang hirap makalimot — ang sakit bahain ng mga alaala.

Sana bukas okay na. Sorry, red light pa rin talaga.

Ngayon gets ko na kung bakit pitong taon ang inabot ni Carson bago nya tanggapin na hindi talaga para sakaniya si Dio. Ang hirap pala talaga.

At kung manghihingi ka man ng sorry, patawad, o pasensya, ayos lang. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo na ‘ko mahal.

Babagsak yata ako sa reviewer na ‘to.

Hindi pa rin kasi kita kayang kalimutan. Hindi ko pa kayang tapusin ang reviewer kasi marami pang tanong na patungkol sa’yo at hindi ko alam kung paano ko ‘to sasagutin nang hindi ka na sa akin.

Sorry kung hindi ako nag-advance reading. Hindi tuloy ako handa nung umalis ka. Kahit na ang totoo, hindi talaga ako naghanda. Kahit kailan hindi ko magagawang ihanda ang sarili ko sa paglisan mo.

Bagsak na sa UPCAT, bagsak pa sa’yo.

Kukuha na lang ulit ako ng exam sa isang taon, baka sakaling makapasa na ‘ko at makagraduate na sa’yo.

--

--