Abstrak Tatlumpu't siyam na taon akong gumamit ng Tagalog at Bisaya sa pagtuturo ng kasaysayan sa... more Abstrak Tatlumpu't siyam na taon akong gumamit ng Tagalog at Bisaya sa pagtuturo ng kasaysayan sa loob at sa labas ng klasrum at hanggang ngayon na retirado na ako patuloy ko pa rin itong ginagawa sa iba't ibang porum sa buong bansa. Anim na mahalagang bagay ang natutunan ko sa karanasang ito. Una, napatunayan ko na hindi kapos sa bokabularyo ang ating mga wika sa larangan ng diskursong intelecktuwal. Pangalawa, mas madaling ituro ang kasaysayan lalo ang kasaysayan ng Pilipinas at Mindanao sa sariling wika, mas nadarama, tumatalab, interactive at buhay, ika nga. Pangatlo, higit na matalino ang mga estudyante kung sariling wika ang ginagamit. Pang-apat, kapansin-pansin na habang nagiging matatas ang mga estudyante sa pagpapahayag ng kanilang dandamin at pag-iisip, lalong tumataas ang kanilang pagtitiwala sa sarili. Panlima, hindi sagwil ang paggamit ng iba't ibang sariling wika sa klasrum, nagiging tulay pa nga ito para ma-appreciate ng mga kabataan ang yaman ng iba't ibang kultura. Panghuli, sa paggamit ng ating sariling wika sa paaralan, at sa ating mga transaksyon sa labas tulad ng pamahalaan at komersyo maipapagpatuloy natin ang pinasimulang pakikibaka ng ating mga ninuno laban sa puwersa ng kolonyalismo. Para po sa isang guro at manunulat ng kasaysayang tulad ko, hindi simpleng bagay ang usapin ng Filipino bilang wikang panturo ng kasaysayan, lalong-lalo na ang kasaysayan ng ating bansa. Masalimuot po at madugo ang naging takbo ng ating kasaysayan at hindi maiiwasang sa pagtalakay ng wikang panturo, maging ito ma'y Ingles o Filipino, maraming iba pang mahahalagang isyu ang sumasabit, isa na rito ang nilalaman. Ang akin pong paksa ay nahahati sa apat na bahagi ayon sa sumusunod: 1) Ang papel ng edukasyon sa pambansang kaunlaran. 2) Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas o alinmang bahagi nito. 3) Ang kahalagahan ng wastong datos ay makabayang pag-unawa sa kasaysayan. 4) Pakinabang sa Filipino bilang wikang panturo sa kasaysayan ng Pilipinas a o alinmang bahagi nito.

Uploads
Papers by Isabel Gerna